SALOME
Salome
Pilit mang ikubli
sa ‘yong dibdib,
larawan ng pait,
iyong hinanakit;
langit ma’y tila nakapikit
at mundo’y mapanakit…
Wag alintanain ang karimlan
at ang agimat mong
mata’y buksan.
Sa saliw
ng musikang malaya,
basbas ng apoy
iyong biyaya
Sayaw, Salome, Sayaw…
Di mapipiglang mapaluha.
Hapong-hapo sa
pag-ibig mong dula.
Tila buwa’y nangungutya…
Punit-punit na kalul’wa
Wag alintanain ang karimlan
at ang agimat mong
mata’y buksan.
Sa saliw
ng musikang malaya,
basbas ng apoy
iyong biyaya.
Sayaw…
Salome…
Sayaw…

0 Comments:
Post a Comment
<< Home