Random Ramblings

Mga lagnat ng kaluluwa ni Yanna Verbo Acosta

Name:
Location: Mt. Olympus

24 July 2008

TULDOK 90°-PROOF

(Isang malikot na pagmumuni-muni)

Pa’no mo tutuldukan ang katahimikan kung ito’y walang salita?

Ito nga ba’y matatawag nang “tahimik” dahil lamang sa kawalan ng salita? Sa kanyang kawalan ng salita, ito ba’y umiiral (existing)? Pag nilagyan ng tuldok ang isang bagay na hindi umiiral, anung naroon kundi tuldok rin lamang…

Alam natin ang hitsura ng tuldok. Ano ang hitsura ng katahimikan?

Paano mo malalaman kung nasaan ang dulo ng katahimikan, kung saan sya mong ilalapat ang tuldok kung ito’y walang salita?

Alam natin ang hitsura ng tuldok. Ano ang hitsura ng katahimikan?

Pa’no mo tutuldukan ang katahimikan kung ito’y walang salita?