Random Ramblings

Mga lagnat ng kaluluwa ni Yanna Verbo Acosta

Name:
Location: Mt. Olympus

05 March 2007

Random Ramblings: Entry 12707 "Simbuyo't Paglulumanay"


01/27/2007


Matagal-tagal na kong hindi nilalagnat at wala akong oras...


At dahil dyan...Carly Simon, pasok!


"Nobody does it better..."


Patawarin. Magpaka-Little Black Book daw ba ang drama?! My story is way different naman. Wala lang. Yun ang kantang nasa utak ko ngayon, for some reason...


Mukhang nagkatotoo na nga yata ang ultimate prophecy sa buhay ko. Na darating ang panahon na uulanin ako ng problema. Understatement yata yung ulan. Dahil ito, unos, lord...Buti sana kung paisa-isa tulad ng usual na kinakaya ko naman. But no, this time, ga-barkada silang kumatok sa baybayin ng buhay ko. Dahil ba magte-trenta na ko ngayong taon? Hinahamon nanaman ako ng tadhana...


Una, pamilya. Tapos nagkaron ako ng karamdaman: Buti naman pinagbigyan pa ko ng langit, may matres pa naman ako. Pero dilubyo...With their powers combined, ayun, yung dalawang unang problemang nabanggit, naka-apekto sa trabaho ko. Hanggang sa dumating yung point na I had to quit. Kung baga, nag-offer si Banker, at kesa lumala pa ang sitwasyon, nag-deal na ko...


At habang nagpa-party itong mga issue na to sa utak at kaluluwa ko... Eto na, kumatok ang problemang kinakailangan ng matindi-tinding shot ng Omega 6: pag-ibig. Ang level: Bali revisited! Tsunami, lord. In fact kulang pa yun. Isama narin ang bombings, why not...Kulang nalang ma-feature narin ako sa Discovery Channel. At kelan nanaman nangyari? Nung isang gabi lang...


Anim na taon...Anim na taon kong minahal ang taong ito. Anim na taon akong nakipagpatawaran, lumuha, lumigaya, lumipad, lumaya...Ika-pitong taon na sana namin ngayon. Di ba nga, sabi nila, if you survive for seven years as a couple, you're on a roll na. We were two months away from the proverbial "7"...But no. Mahabang istorya, pero sa madaling salita binigo nanaman ako ng lakay ko...


Hindi ko na alam kung may paghuhugutan pa ba ko ng lakas/pakiramdam/konsiderasyon para patawarin pa sya (kung babalik pa sya. Ulit.) matapos ng ilang ulit nang latay ng kapiyudalan nya. Hindi ko alam...Pero for sure, and officially, tanga na nga talaga ako. But then, para magawa ko yun for six years, I must say talaga namang minahal ko sya ng ganun kalalim. Wala nang mas tototoo pa sa pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. At alam nya yan...E ganun e...Tila wala parin talagang halaga sa kanya lahat ng yun. Anong gagawin ko...E di iyak nalang hanggang sa maubos yung pait sa dibdib ko. Sabay sa pait ng cerveza at yosi sa labi ko.


Iniisip ko tuloy, sadyang kay malas naman ng pagte-trenta ko...


Pero naturalmiente, hindi ko naman pababayaang hanggang ganun nalang lahat...Hindi ako dadalhin ng tadhana this far kung hindi ko kakayanin lahat ng ito.


Solusyon... Solusyon...


Ano nang gagawin mo, Yanna?


Pagkakataon ko na tong ayusin lahat ng backlog ko sa buhay. Ang naudlot kong libro, tatapusin ko na. Ang exhibit ko masisimulan ko na. Ang flamenco, maitutuloy ko na. Ang proyekto ng pamilya, mababantayan ko na. Ang anak ko, mas lalo ko pang mabibigyan ng panahon. Ang utak ko, mapapayapa na...


Ang puso ko, ewan ko lang lord, sana naman maghilom pa.


Nangako ako sa sarili ko. Na pagpatak ko ng trenta, maayos ko lahat ng ito...


Mahaba-haba pa ang wish list ko. Gusto kong maging UN volunteer. Gusto kong magkaroon ng license for diving instructorship. Gusto kong magtuloy ang community project for the arts na pinagpaplanuhan namin ng auntie ko nun...Given na syempre na gusto kong matiwasay ang buhay...And yes, ultimately: WORLD PEACE! (wave to the audience, smile, turn, and pose)


Centrum lang katapat nito...(Kahit na si Sam Milby pa ang singer-endorser ng produktong ito, kebs na...)


Unang hakbang, lilisanin ko ang kwarto ko dito sa bahay at mamumundok, mamamangka...Haharapin ko ang hangin at alon na dala ng unos na to para humupa...


Haharapin ko ang sarili ko...




0 Comments:

Post a Comment

<< Home